TUGUEGARAO CITY- Inamin ni PCSO General Manager Royina Garma na bigo siya na malinis sa katiwalian ang PCSO sa self-imposed deadline na dalawang linggo.

Sinabi ni Garma na nahirapan siya sa dahil sa marami pa ang dapat na linisin at pag-aralan sa mga gaming activities ng PCSO tulad ng STL , Keno at Peryahan ng Bayan upang mas malaki ang pumasok na pondo sa PCSO para sa charity.

ang tinig ni Garma

Matatandaan na sinabi ni Garma na hindi papayagan na muling magbukas ang mga STL operations na may pagkakautang sa PCSO tulad ng Cagayan.

Ayon kay Garma, nasa P2.7-B ang pagkakautang sa PCSO ng ilang STL at iba pang gaming activities sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --