Natalo ang Gilas Pilipinas sa kanilang ikalawang tune-up para sa Fiba Olympic Qualifying Tournaments (OTQ) laban sa Turkey sa score na 84-73.

Sinikap ng Gilasn na pinangunahan ni Justin Brownlee na ipanalo ang laro sa ginanap sa Besiktas Akatlar Culture and Sports Complex sa Istanbul, subalit natalo pa rin dahil sa mga fouls at shooting ni Kai Sotto.

Nakapagtala si Brownlee ng 21 points at fie rebounds habang si June Mar Fajardo ay nagdagdag ng 17 points.

Isasagawa ang OQT sa Riga, Latvia sa susunod na linggo.