Nagpapagaling na ngayon ang isang ginang matapos na mataga ng kanyang live in partner dahil sa kalasingan sa Brgy. Nabannagan West, Lasam, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Virginia Riparip 34 anyos habang ang suspek na live-in partner nito ay si Erick Bautista, 36 anyos, magsasaka at kapwa residente sa nasabing lugar.
Ayon kay PMAJ Efren Tangonan, hepe ng PNP Lasam, nagtalo ang maglive-in partner dahil sa paglalasing ng lalaki.
isinara umano ng suspek ang mga bintana at pintuan ng kanilang bahay at kumuha ng itak na ipinangtakot sa biktima.
nakipag-agawan naman ang biktima sa hawak na itak ng suspek kayat hindi nagtamo ito ng sugat sa kanang bahagi ng kanyang mukha.
Dahil hindi naman malalim at malala ang sugat ni Riparip ay agad din siyang pinauwi ng doctor.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng pulisya ang desisyon ng biktima kung maghahain siya ng reklamo laban sa kanyang live in partner.
nabatid na walong taon nang nagsasama ang dalawa.