Inanunsiyo ng Malacañang Palace na nakauwi na sa Pilipinas ang 299 Pilipino na naipit sa Dubai dahil sa tumitinding tensiyon sa Middle East.

Ito ang kauna-unahang batch ng mga Pilipinong nirepatriate matapos ang airstrike ng US at Israel sa Iran. Ayon kay Presidential Communications Secretary Dave Gomez, sinalubong ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pangunguna ni Secretary Hans Leo Cacdac at ng mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga umuwing Pilipino, kabilang ang mga bata at isang sanggol.

Tiniyak ng pamahalaan ang suporta sa mga apektadong Pilipino, kabilang ang medikal, pinansiyal, at psychosocial assistance.

Ayon sa OWWA, higit 1,000 OFWs ang nagpahayag ng kagustuhang umuwi dahil sa lumalalang gulo sa Gitnang Silangan.

Patuloy ang koordinasyon ng pamahalaan upang mapabilis ang repatriation at masiguro ang kaligtasan ng mga apektado, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr..

-- ADVERTISEMENT --