Naniniwala si House Prosecutor Rep. Lorenz Defensor na ang hindi pagbanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address ay nagpapakita ng hindi panghihimasok ng Pangulo sa proseso.

Ayon kay Defensor, sapat na ang naging pahayag ni Pangulong Marcos bilang tugon sa naging pahayag ni Vice President Duterte noong November 2024 Zoom press conference kung saan binanggit nito ang banta sa buhay ng Pangulo.

Aniya, hindi na kailangang banggitin pa ng Pangulo sa iba pang pampublikong talumpati ang kaniyang pananaw sa impeachment proceedings upang hindi ito mabahiran ng pulitika.

Iginiit naman ng House prosecution panel na hindi nakasalalay sa suporta ng Pangulo ang kanilang pag-uusig kay VP Sara Duterte, dahil desisyon ng panel na litisin ang Bise Presidente kaugnay ng umano’y mga impeachable offense.