Binigyan ng pagkilala at cash incentives ang 54 na tricycle drivers na nagsauli ng mga naiwang gamit ng kanilang mga pasahero.

Ayon kay Ma.Carolia Valmonte, information officer ng TRU Tuguegarao, ang mga nabigyan ng pagkilala ay mga nagbalik ng mga items noon buwan ng Enero hanggang Pebrero.

Aniya nasa P79,000 na ang naipamahagi kung saan P500 hanggang P2,000 ang ibinigay na cash incentives sa bawat tricycle driver depende sa item na ibinalik.

Bukod dito ay mayroon pang nakalinyang 16 na tricycle driver ang mabibigyan ng pagkilala na kabilang sa mga nagbalik noong buwan ng January at February dahil na rin sa hindi nakapunta ang mga ito sa isinagawang seremonya noong June 29.

Sa ngayon ay asahan pa na mas marami ang mabibigyan ng recognition sa buwan ng Marso hanggang Hunyo kung saan inaayos na lamang ang pondo, payroll at schedule para rito.

-- ADVERTISEMENT --