Patuloy na naghahanda ang House Prosecution Panel para sa nalalapit na impeachment trial ni Sara Duterte sa Senado sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mock trials at pagre-review ng mga tuntunin sa ebidensya at trial procedures.

Ayon kay Gerville Luistro, mahalaga ang mock trials upang masanay ang mga prosecutor sa direct at cross-examination na gagawin sa pagdinig.

Kasama rin umano nila sa paghahanda ang ilang private lawyers upang mapag-aralan ang mga posibleng tanong at argumento sa paglilitis.

Samantala, sinabi rin ni Luistro na puspusan ang kanilang pag-aaral sa rules of evidence at trial techniques upang matiyak ang kahandaan ng prosecution panel sa impeachment proceedings.

Bagama’t wala pa umanong pormal na abiso hinggil sa iskedyul ng paglilitis, nagpapatuloy na ang preparasyon ng prosecution team para sa inaasahang pagdinig sa Senado.

-- ADVERTISEMENT --