Nagsumite na ang prosekusyon ng Kamara ng dalawang pleadings sa Clerk of Court ng Senate Impeachment Court.
Ang dalawang pleadings ay isinumite ni House Records Management Service Dir. Billy Uy pero hindi pa ito ang reply ng prosekusyon sa sagot sa summons ni Vice President Sara Duterte.
Ang dalawang pleadings na tig-dalawang pahina ay Manifestation with re-submmission of entry of appearance ng House prosecution team at isang Submission ng sertipikasyon na walang nilabag ang Kamara sa Konstitusyon partikular sa one-year bar rule sa paghahain ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Hindi pa maidetalye ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. ang nilalaman ng mga pleadings dahil babasahin muna ito at padadalhan muna ng kopya ang mga senator-judges.