Posibleng maumpisahan na sa July 6 ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa source, sa isinagawang caucus ay posibleng masimulan sa July 6 ang paglilitis sa mga articles of impeachment laban kay VP Sara, Lunes hanggang Miyerkules, na magsisimula ng alas-2:00 ng hapon.

Ang araw naman ng Huwebes ay nakalaan para sa pleadings.

Matapos naman ang State of the Nation Address (SONA) sa ika-apat ng Lunes ng Hulyo, ang plenary sessions ay itatakda sa umaga ng Lunes hanggang Miyerkules.

Posible namang Martes hanggang Huwebes ang impeachment trial kapag may sesyon na, na sisimulan naman ng alas-3:00 ng hapon.

-- ADVERTISEMENT --