
Inaasahan ng isang miyembro ng House prosecution panel na hindi maaapektuhan ng tensyon sa Senado ang impeachment process laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
Ayon kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua, constitutional mandate ng Senado ang pagdinig sa impeachment case kaya inaasahan nilang mananatiling maayos ang proseso.
Nagpahayag din si Chua ng kumpiyansa na igagalang ng bagong Senate president ang Konstitusyon sa paghawak ng impeachment trial.









