
Umaasa ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na maha-hire pa rin ang kanilang mga empleyado sa ibang tanggapan ng gobyerno.
Kung maaalala kasi, nai-turnover na ng ICI ang lahat ng kanilang mga dokumento sa Ombudsman.
Dahil dito, hanggang sa March 31 na lang sila magiging operational.
Ayon kay ICI Special Adviser at retired police general Rodolfo Azurin, umaasa raw sila na maa-absorb sa ibang ahensya ang kanilang mga tauhan.
Aniya, napatunayan na ng kanilang mga tauhan na sila’y mga professional sa knai-kanilang mga trabaho sa kabila ilang mga limitasyon.
Kung maaalala, pinakukuha na rin ng ICI sa Bureau of Customs (BOC) ang mga luxury vehicles na nakaimbak sa kanilang compound.
Kabilang na rito ang isang Rolls-Royce, tatlong Cadillac, at dalawang Lexus.








