Patay ang isang katao habang anim na iba ang nasugatan sa pamamaril sa Florida State University.

Ayon sa mga awtoridad, nasa kustodiya na rin nila ang suspek sa nasabing insidente.

Sinabi ng mga ito na naganap ang pamamaril sa kalagitnaan ng araw kahapon sa Student Union Building sa FSU campus sa state capital ng Tallahassee.

Ayon sa isang ospital na malapit sa lugar, may dinalang anim na pasyente, kung saan ang isa ay nasa kritikal na kundisyon habang ang limang iba pa ay nasa serious condition.

Sinabi ng mga awtoridad na may nakuha din silang tatlong baril, isa sa suspek, isa sa sasakyan at shotgun sa student union building.

-- ADVERTISEMENT --