Isa patay habang dalawa naman ang sugatan sa banggaan ng dalawang motorisklo sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Catayauan, Lal-lo, Cagayan.

Ayon kay PSSGT Victor Adiva, imbestigador ng PNP Lal-lo, lulan ng motorsiklo ay angkas ni Jerwin Versola si Ruben Pagarigan upang ihatid sana sa kanilang barangay sa Allacapan at ng makarating sa pakurbang bahagi ng lansangan ay dumiretso sa kasalungat na linya na dahilan upang mabangga ang motorsiklong minamaneho naman ni Jomar dela cruz ng Brgy. Binag, Lallo.

Aniya, walang kaukulang lisensya sa pagmamaneho si Versola at napag-alaman din na nakainom silang dalawa ni Pagarigan kaya’t maaaring hindi nito na kontrol ang manibela ng kanyang motorsiklo na nagbunsod upang mabangga ang kasalubong na si dela cruz.

Dahil sa lakas ng impak ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang angkas nito na si Pagarigan at idineklarang dead on arrival ng umasikasong doctor habang si Versola at maging ang nabanggang si dela cruz ay nagtamo ng matinding sugat at bali sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.