Patay ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2 habang sugatan naman ang isa pa matapos matabunan ng gumuhong lupa sa San Juan, Sta. Praxedes, Cagayan.

Ayon kay Mayor Esterlina Aguinaldo, agad na nadala ng mga rescuer sa pagamutan ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival si Enrico Gantan, habang nasa maayos nang kondisyon ang ang kanyang kasama na si Romeo Lumabao, kapwa residente ng Brgy Capacuan, Santa Praxedes.

Sinabi ng alkalde na bigla na lamang gumuho ang bahagi ng bundok habang nagsasagawa ang dalawa ng clearing operation matapos maitala ang minor landslide sa lugar habang nakatakbo ang iba pa nilang kasamahan.

Naging sanhi ng pagguho ng lupa ang halos dalawang Linggong tuloy-tuloy na pag-ulan sa naturang bayan na dulot ng shearline.

Sa ngayon ay patuloy ang clearing operation ng DPWH sa kalsada na kumukunekta sa Ilocos Region.

-- ADVERTISEMENT --