Patay ng matagpuan ang isang 16-anyos na studyante matapos saksakin ng kanyang kapwa studyante sa isang abandonadong bahay sa Purok 1, Barangay Tukod, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat ng mga otoridad, nakatanggap sila ng tawag mula sa PMFC Quirino, na nakabase sa Barangay Dibii, Cabarroguis, Quirino, tungkol sa insidente ng pananaksak sa nasabing lugar Kya Agad na rumesponde ang mga pulis kasama ang Municipal Health Officer (MHO) ng Kasibu.

Pagdating sa lugar, nasa kustodiya na ng barangay ang suspek habang natakpan na ng tela ang bangkay ng biktima na natagpuan sa isang madamong bahagi ng abandonadong bahay.

Ang biktima ay idineklarang patay ng MHO dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang isasailalim pa ito sa post-mortem examination.

Sa paunang imbestigasyon ng pnp, lumalabas na nagkayayaan umanong mag-inuman ang biktima, suspek, at pito pang kaibigan at Dahil sa sobrang kalasingan, bigla umanong nagwala ang biktima, dahilan para magsialis ang iba nilang kasama, at naiwan ang biktima at suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Sinubukan umanong awatin ng suspek ang biktima, ngunit imbes na tumigil, sinakal umano ng biktima ang suspek dahilan upang saKsakin nya ito Ng ilang beses gamit ang dala nitong patalim saka ito umalis matapos ang insidente.

Ayon pa sa mga otoridad, na kinabukasan ay ipinagtapat ng suspek ang pangyayari sa ama ng biktima bilang tanda ng kanyang pagsuko.

Sa ngayun ay nasa kustodiya ng mga otoridad ang saspek at nahaharap sa kasong Homicide.