Kakausapin ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang Office of the Vice President upang ayusin ang mga gusot sa pagitan ng mga kongresista at ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukalang budget ng opisina sa 2025.

Una rito, sinabi ni vice presidential spokesman Michael Poa na makikipag-ugnayan sila kay Adiong, ang tatayong sponsor ng budget ng OVP sa 2025.

Ipinaliwanag ni Adiong na dapat na mapag-usapan ang mga programa at proyekto ni Duterte na kailangan na mapondohan upang maidepensa niya ito sa mga kapwa niya kongresista.

Matatandaan na ipinagpaliban sa September ang deliberasyon sa hinihinging budget ng OVP matapos na tumangging sagutin ni Duterte ang mga katanungan ng ilang kongresista kaugnay sa paggagamitan ng confidential funds ng kanyang tanggapan.