TUGUEGARAO CITY- Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang lalaki na sinaksak ng kawayan na may pako sa dulo nito sa Enrile,Cagayan.
Sinabi ni Police Master Sgt. Joefrey Gumangan ,imbestigador ng Enrile PNP sa kanilang imbestigasyon, nag-inuman sina Romel Canceran at Felomeno Palattao.
Kalaunan ay umayaw na si Palattao dahil sa nagbibilad siya ng yellow corn.
Subalit,pilit umano siyang pinapainom ni Canceran na dahilan kaya nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa suntukan.
Kasunod nito ay kumuha ng tabas si Canceran at sinugod ti Palattao.
Nakailag umano si Palattao sa pananaga sa kanya ni Canceran at nakakuha siya ng pagkakataon na makakuha ng kawayan na may pako sa dulo nito na isinaksak niya kay Canceran.
Nagtamo ng sugat sa kanyang dibdib si Canceran na agad na dinala sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.