Humingi ng paumanhin si Jennie ng Blackpink sa pamamagitan ng kanyang agency matapos na pagpistahan sa social media ang paghithit niya ng vape indoor habang kasama niya ang isa sa kanyang staff.

Sinabi ng OA entertainment na nagsisisi si Jennie sa kanyang ginawa at humihingi siya paumanhin sa mga tao na naapektohan at nadismaya sa kanyang ginawa.

Una rito, binugaan ng usok ng vape ni Jennie ang isa niyang staff habang inaayusan siya ng kanyang make-up artist.

Itinuturing kasi na iligal sa South Korea ang ang paggamit ng sigarilyo o vapes sa loob ng establishimento.