Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong buwan ng Oktubre dahil sa naapektohan ang labor force participation sa sunod-sunod na bagyo na tumama sa bansa sa nabanggit na panahon.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA)chief National Statistician Claire Dennis Mapa na naitala ang 1.97 million ang walang trabaho na edad 15 at pataas sa nabanggit na buwan.
Ito ay mas mataas sa 1.89 million unemployed na naitala noong Setyembre subalit mas mababa kumpara noong Oktubre noong 2023 na 2.09 million na walang trabaho.
Sa percentage na 50.12 million Filipinos sa labor force, ang unemployment rate ay 3.9 percent mula sa 3.7 percent noong Setyembre.
Gayuman, sinabi ni Mapa sa year-on-year at quarter-on-qaurter may pagtaas pa rin.
Dahil dito, sinabi niya na ito ay pansamantala lamang dahil sa mga naranasang sama ng panahon.
Nananatili na ang services sector ang top sector sa bilang ng mga may trabaho na may share na 61 percent sa kabuaang bilang ng may trabaho noong Oktubre.
Naitala naman ang 21.2 percent at 17.9 percent sa agriculture at industry sectors sa kabuuang bilang mga empoyed batay sa pagpapasunod.