Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na target ng pamahalaan na palakasin at palawakin ang Kadiwa para sa Bagong Bayaning Mangingisda (KPBBM)
Ito’y upang masuportahan ang food security ng bansa.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Commodore Jay Tarriela na ang programang KPBBM sa ilalim ng pagtutulungan ng PCG, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture (DA) ay mas hinikayat nito ang partisipasyon ng mas maraming mangingisda na makinabang sa territorial sea bagkus ay higit pa na sakop sa exclusive ecomic zone.
Bukod kasi sa fuel subsidy namamahagi rin ng yelo ang PCG upang matiyak naman na maganda pa rin ang kalidad ng isda na bibilhin ng pamahalaan sa gitna ng laot na dadalhin sa fish port.
Samantala, target din ng pamahalaan na ipatupad ang programa sa iba pang bahagi ng bansa.