Kumpara kahapon, inaasahan na sa kanlurang bahagi ng Hilagang Luzon na lamang ang makakaranas ng katamtaman hanggang sa malalakas na ulan dahil sa habagat at epekto ng Tropical Depression Bising na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang asahan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Batanes.

May tiyansa ng mga pagbaha at at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na madalas apektado ng mga ito.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay posible ring makaranas ng makulimlim na panahon na may paminsan-minsang mga pag-ulan at thunderstorm sa mga susunod na oras.