Muli na namang naka-recover ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 20 sako ng pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o shabu sa katubigan ng Pangasinan.

Matatandaan na una nang may nakuha ang PCG na sako-sako din ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P1.17 billion nitong nakalipas na linggo sa nasabi ring lugar.

Dahil dito, umaabot na sa 28 sako ng iligal na droga ang nakuha sa katubigan ng Pangasinan.

Ayon sa Coast Guard District Northwestern Luzon, nakita ang mga nasabing pinaghihinalaang shabu sa pagtutulungan ng Coast Guard maritime patrols at mga mangingisda na sila ang nagpapasakamay sa mga nasabing kontrabando sa mga awtoridad.

Samantala, sinabi ng PCG na mas pinalakas pa nila ang coastal security patrols at community engagement intitiatives kasunod ng pagkaka-recover ng mga nasabing iligal na droga.

-- ADVERTISEMENT --

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad para malaman ang sources at kung para kanino ang mga mga nasabing shabu.