Hinatulan na makulong ng 10 taon ang isang respetadong crocodile expert sa Australia dahil sa sexual abuse at pagpatay sa maraming aso, at iba pang krimen.
Nag-plead guilty si Adam Britton, 53 anyos sa 63 na kaso na may kaugnayan sa bestiality, animal cruelty at pag-iingat ng child abuse material.
Inilarawan ni Northern Territory Supreme Court Chief Justice Michael Grant ang ginawa ni Britton na “unspeakable” at hindi kaaya-aya.
Ayon sa national broadcaster ABC ng Australia na kumuha ng 42 na aso online si Britton sa pagitan ng 2022 at 2022, at nangako sa may-ari ng mga ito na aalagaan niya ng maayos ang mga ito.
Subalit, kinuhanan ni Britton ng video ang kanyang sarili habang ginagahasa at pinapatay ang mga aso sa isang shipping container sa kanyang property sa Darwin.
Naibahagi naman ang nasabing footage sa Telegram.
Si Britton na ipinanganak sa United Kingdom ay kilalang crocodile expert sa Australia at nagtrabaho sa maraming productions sa BBC at National Geographic.
Maaring siyang mapagkalooban ng parole sa April 2028, at pinagbawalan na siya na magmay-ari ng mammals habang-buhay.