Ipinag-utos ng korte sa Makati ang pagpreserba sa assets ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy pabor sa pamahalaan.

Saklaw ng 12 pahinang Asset Preservation Order na inilabas ng Makati Regional Trial Court-Branch 147 ang 12 bank accounts, 37 real properties, at 25 vehicles kabilang ang dalawang firetrucks, isang fuel tanker, at Cessna aircraft na nakapangalan kay Quiboloy at sa Executive Pastor of the KOJC (TEP-KOJC).

May nakita ang korte na probable cause para mag-isyu ng preservation order laban kay Quiboloy at TEP-KOJC bank accounts at mga ari-arian.

Ang Asset Preservation Order ay inilalabas para mapigilan ang anomang transaksyon, paglipat, pagtanggal, conversion o pagtatago at disposisyon ng mga ari-arian.

Nahaharap si Quiboloy sa kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children, at malalaking cash smuggling.

-- ADVERTISEMENT --