Balik na sa bansa si Kris Aquino matapos ang mahigit dalawang taon na pagpapagamot sa Estados Unidos, at maraming fans ang natuwa sa kanyang pagbabalik.

Una rito, sinabi ni Kris na babalik na siya ng bansa kasama ang kanyang anak na si Bimby, fashion designer Michael Leyva, at iba pang mga kasama.

Hindi pa man naibabahagi ni Kris sa social media, nag-post na ng video ng kanilang pagdating sa airport si Leyva.

Nire-post naman ito ni Kris sa kanyang official fan page, kung saan marami ang nagpahayag ng kasiyahan ang mga supporters.