
Mariing pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano’y suspensyon ng face-to-face classes sa bansa dahil sa Nipah virus.
Ayon sa DepEd, maging maingat at mapanuri sa mga impormasyong nababasa o nakikita online.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na huwag i-follow ang mga page na nagbabahagi ng maling impormasyon at agad itong i-report.
Para naman sa mga opisyal na mga anunsiyo at impormasyon sa basic education, bumisita lamang sa official DepEd Phillipine social media accounts at website.
-- ADVERTISEMENT --










