Ibinahagi ni Blue Ribbon Committee, Vice Chairperson, Senador Ping Lacson na hawak na niya ngayon ang affidavit ng taong handang magtestigo hinggil sa di umano’y ghost project sa Taguig City.

Pero sa kabila nito, tumanggi muna sa ngayon ang senador na magbanggit pa ng karagdagang detalye tungkol dito.

Ngunit kwento niya, marami rin daw talagang lumalapit sa kanila para tulungan sila sa kanilang kaso kung kaya’t nagiging maingat sila sa kanilang vetting upang hindi sila maplantahan at mapahiya.

Samantala, naniniwala naman ang senador na ang mga ipinadala nilang dokumento sa Ombudsman hinggil sa isyung ito ay pasado na sa kinakailangan na threshold para sa ‘reasonable certainty of conviction’.

Maalala, una nang nilinaw ng senador na hindi niya sini-single out ang Taguig City bagamat ipinrayoridad niya ito dahil sa ingay ni Senador Alan Cayetano at maging pag-atake nito sa kanyang integridad.

-- ADVERTISEMENT --