TUGUEGARAO CITY-Hawak na ng PNP-Ballesteros ang isang lalaki matapos tangkaing saksakin ang isang Barangay tanod nang sitahin habang nag-iinuman sa bayan ng Ballesteros.

Ayon kay P/capt Julifer Narag, chief of Police ng PNP-Ballesteros, nag-iinuman ang suspek na si Richard Talaro 32-anyos kasama si raymundo Tablit,49-anyos nang sitahin sila ng biktima na si Joel Tablit,45-anyos, brgy tanod, pawang residente ng Brgy.Cabaritan East.

Sa halip na tumigil, kinuha umano ni Talaro ang isang kutsilyo at tinangkang saksakin ang biktima ngunit mabilis na nakailag si Tablit at agad na nakahingi ng tulong.

Sa ngayon, nahaharap sa attempted homicide at paglabag sa R.A 11332 ang suspek habang inaalam na rin ng kapulisan kung kanino nabili ang nakalalasing na inumin sa kabila ng ipinatutupad na Liquor ban.

Samantala, kinasuhan na rin ang kasama ng suspek na nag-iinuman dahil sa paglabag sa R.A 11332.

-- ADVERTISEMENT --