TUGUEGARAO CITY-Nasa maayos ng kondisyon ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa bayan ng Iguig, Cagayan.

Ayon kay Pssgt Dimetrio Narag ng PNP-Iguig, pauwi na ang suspek na si Jomar Solancho kasama ang kanyang angkas na si Donato Abad lulan ng kanilang motorsiklo nang harangan sila ng biktima na si Gardie Pascual pawang residente ng Brgy San Estaban.

Hindi umano nagustuhan ng biktima ang tingin sakanya ni Solancho kaya niya sila hinarangan.

Nang lumapit ang biktima para kumprontahin si Abad ay nauna nang sinuntok ni Abad ang biktima.

Dahil dito ay inilabas ng biktima ang kanyang patalim ngunit naagaw ito ng suspek na agad namang isinaksak sa biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtamo ng pitong saksak sa iba’t-ibang katawan si Pascual na agad namang isinugud sa pagamutan ng mga rumespondeng Brgy. officials.

Nabatid na pawang mga nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang tatlo ng mangyari ang pananaksak habang boluntaryo namang sumuko sa kapulisan ang suspek.