TUGUEGARAO CITY-Kritikal sa pagamutan ang isang manggagawa matapos tagain ng apat na magkakapatid dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Kinilala ang biktima na si Bernardo Datul habang ang mga suspek ay sina Eduardo, Tirso, Robert at Francisco Paddayungan.

Una rito,nagkaroon umano ng kaso ang magkabilang panig dahil sa pinag-aagawang lupa.

Ngunit, batay sa inilabas na resolusyon ng korte, napunta kay Datul ang lupa kung kaya’t ito ang pinag-ugatan ng hidwaan sa magkabilang panig.

Ayon kay Police Lt.Isabelita Gano ng PNP-Tuguegarao,araw ng biyernesnang magtungo ang biktima sa pinag-aagawang lupa para sana maglinis ngunit kanyang nadatnan ang apat na magkakapatid sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Dito nagkaroon ng mainitang palitan ng salita hanggang sa kinuha ni Eduardo ang kanyang itak at tinaga ang biktima.

Nagtamo ng sugat sa leeg ang biktima na agad namang isinugud sa pagamutan ng mga residente na nakasaksi sa naturang pangyayari.

Tinangka naman ng mga suspek na tumakas ngunit dahil sa mga salaysay ng mga nakakita sa pangyayari ay agad nahuli ang mga suspek.