Tuguegarao City- Nagbanta si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na posibleng ibalik sa lungsod ang liquor ban sakaling madagdagan pa ang bilang ng mga lumalabag sa ipinatutupad na alituntunin sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ.

Ginawa ng alkalde ang pahayag matapos ang monitoring ng LGU sa mga paglabag ng ilang mga residente mula ng bawiin ang liquor ban.

Kaugnay nito ay may mga nahuli aniya ang mga otoridad na nag-iinuman sa mga pampublikong mga lugar na nagiging dahilan ng pagkakagulo.

Dagdag dito pa rito ang namomonitor ng LGU Tuguegarao sa ilang mga insidente ng disgrasya dahil sa epekto ng alak sa mga motorista.

Maalalang binawi ang deklarasyon ng liqour ban sa lungsod ng Tuguegarao nitong Biyernes Mayo 8 ngayong taon.

-- ADVERTISEMENT --

Muli ay umapela pa rin ang alkalde sa publiko na sumunod sa mga panuntunan upang makaiwas sa mga paglabag.