Nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) at may tyansa na maging isang ganap na bagyo ngayong araw o bukas.

Kaninang alas-siyete ng umaga, nakapasok na ito sa PAR, may tiyansa na maging bagyo, at tatawaging Bagyong Kiyapo.

Ayon kay PAGASA weather specialist Grace Castañeda, sinabi nitong maaari itong mag-develop bilang tropical depression ngayong araw, ‘o bukas ng umaga.

Posible itong mag-landfall sa Northern Luzon sa Biyernes o sa Sabado.

Inaasahang aabot ito ng hanggang tropical storm category, kung saan may tyansa na itaas ang hanggang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2.

-- ADVERTISEMENT --