Patay ang apat na katao kabilang ang magkapatid na Filipino American (Fil-Am), sa pamamaril sa isang tahanan sa Lancaster, California.
Kinilala ng Los Angeles County Department of Medical Examiner ang tatlo sa mga biktima na sina Christine Asa-Ca, 26 years old, Javi Maquindang, 26, Edwin Garcia, 24, at Matthew Montebello.
Magkapatid sina Asa-Ca at Maquindang, habang si Garcia ay fiancé ni Asa-Ca.
Dead on the spot ang tatlo habang namatay naman sa ospital si Montebello, na partner ni Maquindang.
Rumesponde ang mga tauhan ng Department of Los Angeles County Sheriff sa tawag sa 911 mula sa isang teenager, miyembro ng pamilya na nakatira sa nasabing tahanan sa lugar, kung saan sinabi niya na may mga binaril.
Ayon sa mga awtoridad, nagtago ang tumawag sa kanyang silid dahil sa kanyang takot, kung saan doon din siya nakita ng mga rumesponde.
Nang dumating ang mga awtoridad, nasusunog ang bahay
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad, at inaalam pa ang motibo sa nasabing pag-atake, at wala pang naaaresto.