TUGUEGARAO CITY-Nahaharap sa kasong frustrated murder ang dalawang magkapatid matapos tinangkang patayin sa pamamagitan ng pagbaril ang kanilang dalawang pinsan sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Kinilala ang magkapatid na biktima na sina Benedicto, 31 anyos at Bernardo Martinez Jr., 21 anyos
habang ang mga suspek na pinsan rin ng dalawa ay sina Gringo, 30 anyos at Joan Marcos, 39 anyos pawang
mga residente ng Barangay Bitag Pequeno sa nasabing bayan.

Ayon kay Police Captain Gil Pagulayan, hepe ng Baggao Police Station,nagkaroon ng mainit na pagtatalo
ang magpipinsan dahil sa personal na alitan na sanhi ng pamamaril.

Aniya, habang nagkakape ang mga biktima sa kanilang bahay ay dumating ang mga suspek lulan ng
motorsiklo at bigla na lamang silang pinaputukan ng baril kung saan tinamaan si Benedicto sa kanyang
kamay at paa habang si Bernado ay nagtamo naman ng tama ng bala sa kanyang tuhod.

Agad dinala sa pagamutan ang dalawang biktima na ngayon ay parehanong nasa stable na kalagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Nagawa pang makatakas ang dalawang suspek ngunit dahil sa isinagawang hot pursuit operation ng
kapulisan ay nahuli ang dalawa sa Brgy. Nanguilatan, Penablanca.

Narekober sa mga suspek ang ginamit na 12 gauge shotgun na baril at ngayon ay nasa kustodiya na ng
kapulisan.