Hired on the spot ang mahigit 200 na aplikante at agad na nabigyan ng trabaho sa ilalim ng Government Internship Program (GIP) ng DOLE Region 2 sa isinagawang Internship Fair bilang bahagi ng ika-123 Labor Day celebration sa SM City Tuguegarao ngayong araw, Mayo 1, 2025.

Layunin ng programa na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataang makapagsimula sa kanilang karera habang natututo sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Kasabay nito, dinagsa rin ng higit 600 aplikante ang Job Fair na nilahukan ng 42 local at overseas employers na may dalang mahigit 1,600 job vacancies.

Bukod pa rito, isinagawa rin ang payout para sa mahigit 15,000 benepisyaryo ng TUPAD program, kung saan umabot sa mahigit ₱76 milyon ang kabuuang ipinamigay na sahod sa iba’t ibang bayan sa Rehiyon Dos.