Hindi bababa sa 23 katao ang nasawi , habang 47 iba pa ang iniulat na nawawala matapos ang malalakas na pag-ulan sa timog-silangang estado ng Minas Gerais sa Brazil, ayon sa mga lokal na awtoridad nitong Martes.

Kinumpirma ng state fire department ang 16 na nasawi sa lungsod ng Juiz de Fora at pito naman sa Uba, na nasa humigit-kumulang 110 kilometro ang layo.

Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva sa isang post sa X.

Tinatayang nasa 440 katao ang lumikas sa Juiz de Fora, ayon sa city hall, matapos magdulot ang ulan ng pagbaha at pagguho ng lupa at magresulta sa suspensiyon ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Nagpakilos na rin ng mga specialized team upang tumugon sa mga insidente at hanapin ang mga nawawala.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa state fire department, 136 na tauhan, kabilang ang 108 sa Juiz de Fora at 28 sa Uba, ang ipinadala sa mga apektadong lugar.

Iniulat din ng departamento na 43 katao ang nawawala sa Juiz de Fora at apat naman sa Uba.