Iniulat ng Philippine Red Cross (PRC) na mahigit 7,000 indibidwal na ang kanilang natulungan sa buong bansa ngayong Semana Santa 2026. Ayon sa ahensya, umabot sa 7,137 katao ang kanilang naasikaso mula noong Marso 29 hanggang 9 a.m. ng Black Saturda

Karamihan sa mga tinulungan ay sumailalim sa pagmomonitor ng vital signs, habang may naitalang mga major at minor cases. Mayroon ding 14 pasyente ang dinala sa ospital para sa karagdagang gamutan.

Nagbigay rin ang PRC ng iba’t ibang serbisyo tulad ng psychological support, referral, at tulong sa mga senior citizen, bilang bahagi ng kanilang kabuuang assistance sa mga nangangailangan.

Nag-deploy din ang ahensya ng ambulansya, first aid stations, at libu-libong volunteers sa mga lugar tulad ng simbahan, kalsada, beach, at terminal upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Semana Santa.