Asahan ang malaking dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo sa gitna ng tumitinding armed conflict sa Middle East na resulta ng pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa Iran.

Batay sa unang tatlong araw na trading ngayong linggo, sinabi ng oil industry sources na asahan ang P7.09 per liter na dagdag sa presyo ng gasolina, at P15.33 naman sa Diesel.

Iaanunsyo ang price adjustments sa Lunes at ipapatupad naman kinabukasan.

Una nang sinabi ng Department of Energy na asahan ang malaking dagdag sa presyo ng langis bunsod ng pagsasara ng Strait of Hormuz, isang mahalagang global shipping corridor.

Sinabi ng DOE aapela sila sa mga kumpanya ng langis na ipatupad ang staggered na dagdag sa presyo ng kanilang mga produkto.

-- ADVERTISEMENT --