Tuguegarao City- Arestado ang isang local tourist matapos masabat sa checkpoint operation ang mga dala nitong marijuana sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si Marc Airone Joya na mula sa Naic, Cavite.

Batay sa ulat ay nakumpiskang mga otoridad ang dala ni Joya na mga tuyong dahon ng marijauan na nakahalo sa gulay.

Ang mga nakuha sa suspek ay tinataya naman nagkakahalaga ng P484,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

-- ADVERTISEMENT --