Mahigit P800K halaga ng marijuana ang naharang sa checkpoint na tinangkang ipuslit ng isang pasahero na turista sa lalawigan ng Kalinga.
Ayon kay PCAPT Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office, nasa pitong marijuana bricks at isang tubular ng dried marijuana leaves at stalks na may fruiting tops na tumitimbang ng humigit-kulang 7K grams na nagkakahalaga ng P840K ang nakuha sa bag ng 25-anyos na construction worker at residente ng Tanay, Rizal.
Nabatid na bilang Standard Operation Procedure (SOP) ay pinapara ang lahat ng mga sasakyan sa checkpoint sa Bugnay, Tinglayan, Kalinga kung saan isang pampasaherong jeep na puno ng mga turista na patungong Mountain Province ang sinakyan ng suspek na galing sa sikat na mambabatok na si Apo Whang-od sa Brgy Buscalan.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.