Tumanggi ang Malakanyang na magbigay ng pahayag kaugnay sa hindi pag-endoso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos sa isinagawang rally ng Alyansa nitong nakaraang weekend.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi pa nagkakaroon ng pag-uusap si President Ferdinand Marcos at Senator Imee Marcos, matapos ang senate hearing kaugnay ng pag-aresto kay Former President Rodrigo Duterte.
Napansin ng marami na sa rally, hindi binanggit ni President Marcos ang pangalan ni Sen. Imee, kahit na ipinakilala niya ang mga senatorial candidates ng administrasyon sa dalawang magkakasunod na rally sa Cavite at Laguna.
Paliwanag ni Castro, mas mabuting hintayin ang mga susunod na rally kung saan magbibigay ng pahayag ang Pangulo upang mas malinaw kung anong ibig sabihin nito.