Matapos ang mahigit isang buwan na sunod-sunod na malalaking pagtaas sa presyo ng langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan, maaaring makaranas ng bahagyang ginhawa ang mga motorista sa susunod na linggo kasunod ng dalawang linggong tigil-putukan na napagkasunduan ng United States at Iran.

Ayon sa isang source mula sa oil industry, bumaba ang Mean of Platts Singapore (MOPS) at premiums dahil sa ceasefire agreement sa rehiyon.

Batay sa galaw ng MOPS sa unang tatlong araw ng linggo, inaasahang bababa ang presyo ng diesel sa P2.50 hanggang P3.40 kada litro, habang sa gasolina ay humigit-kumulang P1.00 kada litro.

Gayunman, maaari pa itong magbago depende sa resulta ng trading hanggang bukas.

Dagdag pa ng source, may mga indikasyon din ng bahagyang pagtaas muli batay sa pinakahuling projections.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Ferdinand Marcos Jr. na sasamantalahin ng Pilipinas ang dalawang linggong tigil-putukan upang masiguro ang sapat na suplay ng petrolyo ng bansa.

After more than a month of mega pump price hikes triggered by the Middle East conflict, motorists may expect a slight sigh of relief in the coming week amid the two-week ceasefire agreed upon by the United States and Iran.