Naipakulong at naproseso na ang deportasyon ng maraming bilang ng mga undocumented Filipinos sa United States (US), ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez

Gayunpaman, nilinaw ni Romualdez na wala silang eksaktong bilang ng mga nakakulong at na-deport na mga Pinoy, dahil sa itinuturing na confidential ito ng mga awtoridad sa US.

Ayon sa kanya, ang huling naiulat na na-deport ay 30 at may maraming bilang na nakakulong sa maraming bahagi ng US na ikinonsidera na undocumented at handa na para sa deportation.

Dahil dito, sinabi ni Romualdez na mas mainam sa mga undocumented Filipinos sa US na boluntaryo na umalis sa halip na maharap sa deportation.

Batay sa report ng Migration Policy Institute in Washington D.C. noong 2023, ang Pilipinas ang pang-anim na top source ng undocumented (unauthorized) immigrants sa US sa kabuuang populasyon na tinatayang 309,000 noong 2021.

-- ADVERTISEMENT --