Hindi kumbinsido si Senador Rodante Marcoleta na nahaharap talaga ang bansa sa isang matinding krisis sa langis.

Ayon kay Marcoleta, base sa datos ng fuel importation, lumalabas na kumpleto pa naman ang supply ng langis sa Pilipinas at tama ang Pangulo na mayroon pang limampu hanggang animnapung araw na supply ang bansa.

Kasunod nito, hindi pa rin maintindihan ng senador kung paanong sumipa agad ng 100% ang presyo ng langis mula sa pre-conflict price.

Samantala, pinuna naman niya ang hindi pa tuluyang pagsilip at pag-aaral ng Department of Energy sa kanyang impormasyong ipinresenta kamakailan tungkol sa Rotterdam na nagbibigay ng mas mababang presyo ng langis.

Tiniyak naman ng DOE na kanilang pag-uusapan sa ahensya ang datos na ito at makikipag-usap din sila sa oil companies para rito.

-- ADVERTISEMENT --