
Patuloy na namamataan ang mga barkong pang-militar ng China sa karagatang sakop ng Pag-asa islands sa West Philippines Sea.
Sa isinagawang maritime domain awareness flight ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong sabado, Pebrero 21, naitala ang nasa 20 barko ng China malapit sa isla.
Kabilang sa mga ito ang 17 Chinese maritime militia vessels, dalawang barko ng China Coast Guard, at isang People’s Liberation Army-Navy ships.
Bukod dito, namataan din ng PCG ang artificial island na itinayo ng China sa Mischief o Panganiban Reef na matatagpuan lamang 130 nautical miles mula sa Palawan.










