Nagbigay ng positibo ngunit may halong puna ang ilang local at foreign business groups sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng panawagang tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng mga ipinangakong programa.

Pinuri ng mga grupo ang pagtutok ng Pangulo sa pamumuhunan, paglikha ng trabaho, seguridad sa enerhiya, imprastraktura at pagpapagaan ng pagnenegosyo.

Gayunman, iginiit nilang kailangan ang malinaw na polisiya, tuloy-tuloy na reporma at konkretong resulta upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya.

Hinimok din ng mga business group ang administrasyon at Kongreso na agarang maisabatas at maipatupad ang mga pangunahing reporma upang higit na mapalakas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan at mapabuti ang kalagayan ng ekonomiya.