Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft at falsification laban kay dating Education Secretary Leonor Briones, dating procurement service head ng Budget Department na si Lloyd Christopher Lao at iba pang mga dating opisyal

Kaugnay ito sa pagbili ng P2.4 billion na umano’y overpriced na mga laptop noong 2021.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, nakitaan ng probable cause o sapat na basehan ang reklamo laban sa dalawang nabanggit na dating opisyal gayundin kina dating DepEd Usec. Annalyn Sevilla, Alain Pascua, Asec. Salvador Malana III at iba pang DepEd officials.

Ipinag-utos din ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong perjury laban kina Sevilla at dating PS-DBM OIC Executive Director Jasonmer Uayan dahil pa rin sa umano’y overpriced at outdated na mga laptop.

Wala pang pahayag sa ngayon ang mga nabanggit na dating opisyal.

-- ADVERTISEMENT --