
Tiniyak ng International Criminal Court (ICC) na magpapatuloy ang mga kasong dinidinig nito sa kabila ng pagsibak kay dating Prosecutor Karim Khan matapos siyang mapatunayang guilty sa serious misconduct at breach of duty.
Ayon sa ICC, kinikilala nito ang naging desisyon ng Assembly of States Parties, kung saan 82 sa 152 miyembrong estado ang bumoto pabor sa pagpapatalsik kay Khan sa isinagawang secret ballot sa punong tanggapan ng United Nations sa New York.
Samantala, pansamantalang pamumunuan ng mga deputy prosecutors ang Office of the Prosecutor.
Mananatili sa kanilang mga posisyon sina Deputy Prosecutors Nazhat Shameem Khan at Mame Mandiaye Niang habang nagpapatuloy ang operasyon at pagdinig sa mga kasong hawak ng ICC.








