Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng holiday pay rules para sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, 2026.

Ayon sa DOLE, ang mga empleyadong papasok sa trabaho sa nasabing regular holiday ay dapat makatanggap ng dobleng sahod o 200 porsiyento ng kanilang arawang kita para sa unang walong oras ng trabaho.

Makakatanggap naman ng karagdagang bayad ang mga mag-o-overtime at yaong ang trabaho sa Hunyo 12 ay tumapat sa kanilang rest day, alinsunod sa umiiral na labor standards.

Samantala, ang mga empleyadong hindi papasok sa trabaho sa regular holiday ay may karapatan pa ring tumanggap ng buong arawang sahod kung nakapasok sila o nasa bayad na leave sa araw bago ang holiday.

Hinimok ni Labor Secretary Francis Tolentino ang mga employer sa pribadong sektor na mahigpit na sundin ang mga tuntunin sa holiday pay upang mapangalagaan ang karapatan at benepisyo ng mga manggagawa.

-- ADVERTISEMENT --