Magkatuwang ang Department of Education (DepEd) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa pag-deploy ng humigit-kumulang 240,000 benepisyaryo ng TUPAD program upang tumulong sa paglilinis at paghahanda ng mga paaralan para sa Brigada Eskwela 2026.

Ayon sa DOLE, bahagi ito ng malawakang programa na ilulunsad sa Hunyo 1 na layuning makatulong sa school readiness activities at makapagbigay rin ng pansamantalang trabaho sa libo-libong Pilipino.

Sinabi ng ahensya na aabot sa mahigit 200,000 trabaho ang target na mabigyan ng oportunidad hanggang sa pagsisimula ng klase at habang nagpapatuloy ang school year 2026–2027.

May nakalaang humigit-kumulang P2 bilyon para sa implementasyon ng TUPAD bilang suporta sa Brigada Eskwela ng DepEd.